Kung may namimiss man ako kapag hindi tayo magkasama
Yun yung mga food trips natin sa mall
O ang walang katapusang pagwi-window shopping
Maging yung mga kulitan natin tungkol sa kung anu-ano.
Namimiss ko yun
Pero hindi lang yun.
Yung mga tawanan natin
At mga seryosong usapan natin
At pang-aasar mo sa akin kapag nagiging cheesy na ako
Yung mga napapansin nating pareho sa mga taong dumadaan
Maging sa iPod-tripping at laptop-surfing
Maging mga usapan sa trabaho at sa pagda-diet.
Namimiss ko rin yun
Pero hindi lang yun.
Pinaka-namimiss ko yung ikaw.
Yung katahimikang ibinabalot mo sa akin sa tuwing magkasama tayo.
Yung mga tingin mong nangungusap.
Yung simple pero malaman mong mga sagot sa tanong ko
At mga tanong mo sa sagot ko.
Yung pakikinig mo sa mga kwento ko
Yung mga ngiti mo
Kasama na ngipin mo.
Seryoso,
Namimiss ko yun.
Pero alam mo kung ano ang pinaka-namimiss ko sa lahat?
Yung panlalambing mo.
Yung pagyakap mo.
Yung pagtibok ng puso mo
Yung pagtitig sa akin ng mga mata mo
At maging ang paghawak mo sa kamay ko
Na nagsasabing tayo ay iisa.
Yung simpleng paghinga mo habang sinasabi mong mahal mo rin ako.
Yun ang pinaka-namimiss ko.
