Ang mundo’y isang laot
Kayraming tao sa paligid
Ngunit kung iyong mapapansin
Pare-pareho, paulit-ulit
Pareho ng suot, pareho ng iniisip
Pareho ng galaw, pareho ang sambit.
Lahat ay mistulang bumabaybay, sumasabay
Sa isang alon patungo sa kawalan ng buhay.
Ikaw, kapatid, iyo na bang nasubukan
Pagtuligsa sa alon, iyo na bang naranasan?
Advertisement